Para Sayo, Luningning, Tula, Tula ng pag-ibig

Para sayo, Luningning

Umaalab ang ‘yong salitang ‘sing tamis ng pulot,

Tila sariwang hanging iyong hinablot,

Mapupulang rosas sa iyo’y idinulot,

Buhok mong kay haba’t tuwid ay kumulot.

Parang bahaghari ang iyong mga mata,

Sa bawat paggising ay nakangiti ka,

Ang sabi pa niya’y mahal kang talaga,

Nangakong kailanma’y walang iwanan,

At sa iyong tabi’y laging mananahan.

Panghabambuhay nga ang pangakong alay sa iyo,

Na napako sa paglipas ng milenyo,

Mula sa pagkalunod ay ‘di na makaahon,

Hinagpis at dusa’y dama sa habang panahon.

Umiiyak mong puso’y nagsusumamong dinggin,

Puso mong pinasaya muna bago durugin.

Wasak, lagpak, at sawa na sa pag-iyak,

Tila isang anghel na pinutulan ng pakpak,

Damdamin mo’y kawawa’t hindi mapatahan,

Nang dahil sa kanya’y laging kinakabahan,

‘Pag tapat mo sa salami’y estudipo ang namasdan.

Ang turan sa sarili’y pasensya na’t nagmahal,

Nagmahal ka oo’t ‘sing babaw ng kanal,

Kaya nga’t nakalimot magtira sa sarili,

Nangarap na maibabalik ang kanyang pagkandili.

Tindig na’t tumahan, parang awa mo na!

Gising ineng, katorse ka pa lamang!

Sa ganyang edad, walang tunay na poreber,

Kaya sa pag-aaral, doon ‘di dapat mag-surrender!

###

July 28, 2015

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s