Tula, Tulang Makabayan

Natatakot ako

Natatakot ako.
Hindi sa umaalingawngaw na putok ng mga baril
O sa mga bombang nakatanim
Kundi sa mga salitang hindi pinag-isipan
Sa bawat utos at galaw na ‘di tinimbang
Natatakot ako.
Hindi sa pagbibilang ng mga namatay
O mga nasugata’t nakaratay
Kundi sa sakit ng latigong sa puso ko’y lumalatay
Sa tuwing makaririnig ng hiyaw at panaghoy
Natatakot ako.
Hindi sa paghihimagsik ng masasamang loob
O sa unti-unting pagkasira ng pisikal na kapaligiran
Kundi sa dahan-dahang pagkawasak ng aking pag-asa
Pangarap, adhikain, at layunin para sa bansa
Natatakot ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s